Sen. Koko Pimentel, umapela sa ibang regional wage board na sundan ang umento sa sahod na ipapatupad sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa iba pang mga regional wage board sa bansa na sumunod sa ginawamg pag apruba ng National Capital Region (NCR) na P40 na dagdag sa daily minimum wage sa mga manggagawa.

Ginawa ng senador ang pahayag nitong Biyernes, sabay puna sa napakababang minimum wage na umiiral sa maraming rehiyon sa bansa.

Binigyang-diin ni Pimentel, na kailangang repasuhin at suriing muli ang kasalukuyang wage rate o antas ng sahod para matiyak na resonable at makatotohanan ito, para sa mga manggagawa sa lahat ng lalawigan sa bansa.

Dahil sa P40 na umento sa National Capital Region (NCR), aakyat na sa P610 ang minimum wage rate sa rehiyon kada araw.

Malayo na aniya ito sa daily minimum wage sa kalapit na mga rehiyon gaya sa Region III at Calabarzon.

Giit ng mambabatas, dapat ikonsidera ng mga regional wage board ang economic realities sa kanilang mga rehiyon, at umaksyon para matulungan ang mga kababayan nating hirap na punan ang pang araw-araw na pangangailangan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us