Sen. Padilla, Sen. Dela Rosa, dinepensahan ang Senate leadership sa mga puna sa proper decorum ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagtanggol nina Senador Robin Padilla at Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang Senate leadership tungkol sa komento sa pagkakaroon ng proper decorum ng Senado.

Aminado si Senador Robin Padilla na hindi siya para sa kanyang sarili nasaktan kundi para sa Senate leadership, partikular para kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Majority Leader Joel Villanueva.

Aniya, ang naturang komento ay tila patama na rin sa Senate leadership

Giit ng neophyte senator, nakikita naman niyang ginagawa lahat ni Zubiri para magkaroon sila ng rapport sa Senado.

Nanindigan rin muli si Padilla na hindi dapat baguhin ng isang senador ang kanyang diskarte para lang maging komporme sa tinatawag na Senate tradition.

At para sa kanya ay hindi niya babaguhin ang pamamaraan niya ng pananalita dahil sa ganitong paraan sila napapalapit sa taumbayan.

Dinepensahan rin ni Senador Bato Dela Rosa ang brand ng Senate leadership mula sa mga komentong nagsasabing ang kakulangan ng kontrol ang dahilan sa kawalan ng proper decorum.

Para aniya kay Dela Rosa, maayos ang pamamahala ng mga pinuno ng Senado.

Lahat aniya ay binibigyang importansya ni Senate President Zubiri at nagreresulta ito sa isang happy Senate.

Una nang inamin ni Dela Rosa na may pagkakataong nakakalimutan niya ang tamang decorum bilang isang senador at handa aniya siyang mag-adjust. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us