Hinimok ni Senador Francis Tolentino si Health Secretary Teodoro Herbosa na magtalaga ng focal person sa Department of Health (DOH), na pagtutuunan ng pansin ang pagtugon sa mga concern ng mga senior citizen.
Kasabay nito, iginiit ni Tolentino ang pagsasabatas ng kanyang Senate Bill No. 1799 o ang proposed “Comprehensive Senior Citizen Welfare Act.”
Sa ilalim ng panukala, babalangkas ang DOH katuwang ang local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at people’s organization (POs) for senior citizens ng national health program, na magsasaad ng integrated health service para sa matatanda.
Ipinaliwanag ni Tolentino, na mahalagang magkaroon ng official in-charge sa loob ng DOH hierarchy para sa senior citizens upang matiyak ang kapakanan ng matatanda sa pagkonsidera rin ng comorbidity ng mga ito.
Nangako naman si Herbosa na isa sa kanyang isasaprayoridad ang reporma para sa kapakanan ng mga senior citizen. | ulat ni Nimfa Asuncion