Sen. Villanueva, iginiit na mahalagang bantayan ang ilalabas na IRR ng pinapanukalang MIF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng ngayong linggo ay maisumite na ng kongreso sa Malacañang ang enrolled bill ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, sa ngayon ay nagkakaroon na lang ng finishing touches sa panukala.

Sakaling maging isang ganap na batas, giniit ng majority leader na mahalagang mabantayan ang ilalabas na implementing rules and regulations (IRR) nito.

Dapat aniyang lamanin ng IRR ang totoong essence ng binuong batas at hindi maaaring baguhin ng IRR ang anumang nilalaman nito.

Lalo na aniya ang tungkol sa pagsasama ng pondo mula sa pesion funds gaya ng SSS at GSIS.

Giniit rin ng senador na mayroong oversight powers ang kongreso para masilip at marebyu ang ilalabas na IRR at maaari nilang ipatawag ang mga ahensyang bumuo nito.

Kumpiyansa rin ang mambabatas na dahil lahat ay nakabantay ngayon sa MIF ay sasalaminin ng IRR ang totoong diwa ng panukala, lalo na ang mga inilagay nilang safeguards dito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us