Sen. Win Gatchalian, pinayuhan ang mga nais kumuha ng estate tax amnesty na ituloy lang ang aplikasyon kahit wala pa ang batas sa extension

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga planong mag-avail ng estate tax amnesty, na mag-apply pa rin para dito kahit pa hindi pa napipirmahan ang batas para sa extension nito.

Ngayon na kasi nakatakda ang deadline para sa paghahain ng estate tax amnesty, at hanggang ngayon ay hindi pa napipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapalawig nito hanggang June 2025.

Paliwanag ni Gatchalian, retroactive naman ang pagpapatupad ng tax amnesty kaya pwede pang maghain nito kahit wala pa ang batas para sa extension.

Makukuha na lang aniya ang amnesty oras na ganap na itong maisabatas.

Iginiit ng senador, na wala naman siyang nakikitang dahilan para hindi mapirmahan ang batas para sa extension, maaari aniyang na-delay lang ang pagpirma dito dahil sa dami ng dapat pirmahan ng pangulo.

Ganito rin aniya ang naging pagpapatupad sa dalawang nakaraang extension para sa estate tax amnesty. | ulat  ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us