Senador Bato dela Rosa, nag-sorry sa minsang kawalan ng tamang asal sa mga pagdinig ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na minsan ay guilty rin siya sa kawalan ng proper decorum o naaayon na pag-asal sa mga committee hearing at plenaryo ng senado.

Ayon kay Dela Rosa, may mga pagkakataong nadadala siya ng kanyang emosyon sa mga ginagawa nilang senate investigation at minsan ay nakakalimutan niyang senador na siya at hindi na police investigator.

Kaugnay nito, nag-sorry ang senador at sinabing handa siyang mag-adjust at magpatupad ng mga pagbabago.

Matatandaang una nang napuna ni dating Senate President Franklin Drilon ang tila kawalan ng decorum ng ilang kasalukuyang mga senador.

Nirerespeto naman aniya ni Senador Bato ang komento ng mga beteranong mambabatas sa decorum ng mga senador.

Payo naman ni Dela Rosa sa mga bagong senador, tanggapin ang mga komentong ito ng bukas ang pag-iisip at ng may buong pagkukumbaba.

Aniya, minsan ay mainam ring makinig sa mga beterano at hindi namang makakasamang matuto mula sa kanila.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us