Pinaboran ni Senador Francis Tolentino ang inisyatibo ng gobyerno ng Pilipinas na tulungan ang Afghan nationals na naapektuhan ng giyera sa kanilang bansa.
Iginiit ni Tolentino na bilang bahagi ng commitment ng Pilipinas sa pagtataguyod ng human rights ay tungkulin ng ating bansa na bigyan ng tulong ang mga displaced person, base na rin sa nakasaad sa mga tratado na kasapi ang Pilipinas at sa international laws.
Kabilang sa mga binanggit ng senador ang Universal Declaration of Human Rights; 1952 Refugee Convention at ang 1967 Protocol nito; at ang International Covenant on Civil and Political Rights.
Ipinunto rin ng mambabatas ang Executive Order 163 na inilabas noong February 2022.
Binigyang diin ni Tolentino ang pangangailangan para sa komprehensibong support system sa pansamantalang pananatili sa bansa ng mga Afghan refugee.
Kabilang na aniya dito ang access sa temporary shelter, food supply, at healthcare.
Tiniyak naman ng senador na ang relocation program na ipapaabot sa mga Afghan ay pansamantala lang at sila ay dadaan sa screening process. | ulat ni Nimfa Asuncion