Senate Blue Ribbon Committee, pinapa-subpeona ang mga dating pinuno ng LTO, mga dokumento sa IT deal ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pina-subpoena at pinapadalo ng Senate Blue Ribbon Committee sa magiging susunod nitong pagdinig ang mga dating namuno sa Land Transportation Office (LTO), iba pang mga opisyal at mga pribadong kumpanyang may kaugnayan sa kinukwestiyong information technology (IT) project ng ahensya.

Sa naging pagdinig kasi ng Senate Blue Ribbon committee, sinabi ng mga senador na hindi sila makakalap ng sapat na impormasyon dahil hindi dumalo ang ilang dating LTO chief at iba pang resource person, kasama na ang kontraktor ng LTO para sa IT deal – ang Dermalog.

Una nang napag-alaman na nasa Germany ngayon ang mga opisyal ng Dermalog at nagpadala lang sila ng kanilang legal counsel sa naging pagdinig ng blue ribbon.

Binalaan pa ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senador Francis Tolentino ang legal counsel ng Dermalog na maaari siyang ipa-cite in contempt kung hindi pa rin makakadalo ang kanyang mga kliyente sa susunod na pagdinig ng senate panel.

Nag-ugat ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon sa 2021 report ng Commission on Audit (COA) na sumita sa ‘undue payment’ na ginawa ng LTO sa Dermalog, sa kabila ng hindi pa kumpletong turn over ng mga ito ng higit 3 billion pesos Road IT Infrastructure project. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us