Matagumpay na nagsagawa ng “Serbisyo Caravan” ang Police Regional Office (PRO) Mimaropa, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lokal na pamahalaan ng Bongabong, Oriental Mindoro kahapon.
Ang aktibidad ay nakapag-serbisyo sa 500 pamilya sa Brgy. Sta. Cruz ng naturang bayan, kung saan tumanggap ang mga ito ng mga food pack at libreng serbisyo mula sa iba’t ibang kalahok na ahensya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang social services, agricultural services, registration services, seminar sa traffic management, tilting and taxation, medical and health services, tax payment/cedula, issuance of updated MCR, free haircut, at feeding program.
Sinabi ni PRO Mimaropa Regional Director Police Brig. General Joel Doria na ang pakikilahok nila sa aktibidad ay bahagi ng pagpapatupad ng direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na palakasin ang “community engagement” ng PNP.
Tiniyak naman ni BGen. Doria na patuloy na makikipagtulungan ang PRO Mimaropa sa iba’t ibang stakeholder para sa kapakanan at kaligtasan ng mga komunidad sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne
📷: PRO MIMAROPA