Dumepensa si Senador Christopher “Bong” Go sa mga komento ng kawalan ng decorum sa Senado.
Ayon kay Go, ang ingay o sinasabing gulo na nakikita sa plenaryo tuwing may sesyon ay resulta lamang ng ‘productive energy’ ng mga aktibong miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Pinaliwanag ng senador na tuwing may sesyon ay hindi maiiwasan ang pag-uusap-usap o pagkakaroon ng diskusyon ang mga senador sa mga isyung tinatalakay.
Siniguro naman rin ng mambabatas na nakatuon ang atensyon ng mga senador sa kanilang trabaho at may order naman na sinusunod sa kanilang kapulungan.
Dinagdag rin ni Go na dahil sa energetic leadership nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda kaya ang nagreresulta sa isang productive energy mula sa mga senador.
Hindi naman minasama ng senador ang obserbasyon ng ilang beteranong senador na kawalan ng decorum o tamang asal at pagkilos sa hanay ng mga mambabatas.
Gayunpaman, para maiwasan ang mga ganitong komemto ay pinayuhan ni Go ang mga kapwa senador na bawasan ang lakas ng mga pag-uusap sa plenaryo bilang pagbibigay respeto na rin sa nagsasalitang senador. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion