Singapore, nananatiling strong partner ng Pilipinas lalo ngayong nasa transition ang global economy — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  very strong partner ng Pilipinas ang Singapore lalo na ngayong nasa yugto na aniya ng transition hinggil sa global economy.

Sa pagtanggap ng Pangulo sa credentials ni Constance See Sin Yuan bilang  Ambassador-Designate of the Republic of Singapore to the Philippines, binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng
bilateral partnerships sa pagitan ng Pilipinas at ng Singapore.

Mahalaga ito ayon sa Pangulo lalo na ngayong patahak na sa panibagong yugto ang ekonomiya ng mundo.

Sa kanyang panig ay ibinahagi  naman ni Ambassador Yuan qng kanyang mga plano upang mas mapalawak pa ang bagong area sa bilateral cooperation na nakasentro sa
sustainability at energy.

Bukod dito ay tiniyak din ng bagong envoy ng Singapore sa bansa ang  kanilang  commitment sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon sa gitna ng global challenges.  | ulat ni Alvin Baltazar

📸: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us