Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa loob ng magkakasunud na anim na buwan o simula pa noong Enero ngayong taon ay bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City.

Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1 sa P12.2990 per kilowatt-hour (kwh) mula P13.2511 per kwh.

Sa isang panayam, sinabi ng More Power ang pagbaba ng singil ay bunsod ng pagbaba ng generation cost, resulta umano ito ng pagdagdag ng geothermal power sa power supply mix na ginawa ng Energy Development Corp.

Ang pagpasok ng renewable energy supplier sa supply mix ay naging daan para bumaba ang value added tax (VAT) sa generation charge na nasa P0.1613 per kwh.

Naging malaking kontribusyon din sa pagbaba ng singil sa kuryente ang spot market price sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), ang pagbaba ng presyo ng coal gayundin ng transmission charge na bumaba sa P0.7226 per kwh mula sa P0.9057 per kwh noong nakaraang buwan.

Matatandaan na kamakalawa ay pinasumulan din ng More Power ang bill deposit refund sa kanilang mga customer.

Sinabi ni Power President at CEO Roel Castro ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangarin na rin nila na maging ehemplo sa iba pang distribution utilities(DU). | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us