SOGIE Bill, di prayoridad — Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi prayoridad at walang pangangailangan na maipasa kaagad ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) Bill.

Pinunto ng majority leader na wala ito sa listahan ng mga priority bills ng administrasyon.

Dinagdag rin ni Villanueva na may mga senador na miyembro ng Committee on Rules ang nagpadala ng liham at nagpahayag ng reservation sa naturang panukala kaya nananatili pa rin ito sa Committee on Rules.

Matatandaang naglabas na noon ng Committee Report ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros tungkol sa SOGIE Bill o Senate Bill 1600.

Pero hindi ito naipresenta sa plenaryo ng Senado at ibinalik sa Committee on Rules dahil sa oposisyon mula sa ilang religious groups at iba pang mga sektor.

Ibinahagi ni Villanueva, chairperson ng Committee on Rules, na nasa pitong senador ang nagsasabing hindi dapat limitahan sa iisang grupo lang ang Anti-Discrimination Bill. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us