Layun ngayon ni South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. na tiyakin na umunlad ang sitwasyong pang-ekonomoya ng mga magsasaka habang ipinatutupad ang Consolidated Rice Production and Mechanization Program.
Bilang Vice-Chairperson for the National Anti-Poverty Commission, kinilala ni Tamayo na karamihan sa mga magsasaka at mangingisda ay nakatira na mababa pa sa poverty line. At ang bago lamang na inilunsad na programa ay ang magbabago ng kanilang sitwasyon at magbibigay ng development sa area.
“Hindi lamang ang poverty rate ang ating pabagsakin, masiguro pa natin ang seguridad sa pagkain at mapababa ang presyo ng bigas,” ayon kay Tamayo.
Sa pinakahuling pagbisita sa South Cotabato ni President Ferdinand R. Marcos Jr., kaniyang pinapurihan si Governor Tamayo sa paglikha nito ng programa na puno sa inobasyon para sa mga magsasaka .
Nakaangkla ito sa agenda ng administration at makakatulong sa katatagan ng pagkain sa bansa. Ang programa ay nagbabalak din na marating ang global competitiveness sa pamamagitan ng climate resiliency, sound agricultural practice, low-cost production, efficient farm mechanization, at value-added approach.
“Mahalaga ang programang ito, dahil ito ay maliit na bahagi kung ano ang ginagawa natin sa buong bansa,” inihayag ito ni President Marcos sa paglulunsad ng programa sa Barangay Linaway sa bayan ng Banga, South Cotabato.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao