SP Zubiri, mas magiging ‘assertive’ sa pagpapanatili ng tamang decorum sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na mas pagbubutihin niya ang pagrerenda sa kanyang mga kasamahan sa senado sa muling pagbubukas ng kanilang sesyon sa Hulyo.

Ayon kay Zubiri, mas magiging “assertive” na siya sa pagpapanatili ng tamang decorum o pag-asta sa Mataas na Kapulungan.

Ibinahagi rin ng senador na nakausap na niya si dating senate president Franklin Drilon na una nang nagpayo sa kanya na panatilihin ang integridad at kredibilidad ng senado sa pamamagitan ng pagpapapnatili ng tamang asal sa loob ng kapulungan.

Aniya, hindi siya napikon nang unang lumabas ang pahayag ni Drilon dahil nirerespeto niya ito at ang payo ng dating senador.

Nilinaw ni Zubiri na dati naman na niyang pinagsasabihan ang kanyang mga kasamahan kapag nagiging maingay at magulo na ang mga ito sa sesssion hall pero sa pagkakataong ito aniya ay gagawin na niya ang pagsaway ng mas may paninindigan.

Sinabihan na rin aniya ang senate office of sargeant-at-arms na panatilihin rin ang rules at proper decorum sa senado at paalalahanan ang mga bumibisita sa Mataas na Kapulungan.

“I highly respect the advice of Sen. Drilon. I took it as a payo ng mas nakakatandang kapatid…I fully note your concern Tito Frank, and I said we will do better when we come back…I would like to remind our dear colleagues that it is becoming to be noisy and unruly that they settle down. so I always say that. But this time I will be more assertive…I instructed the senate secretariat to be, especifically the sargeant-at-arms general ancan to be very mindful of the rules and proper decorum on the floor, kakasabi ko lang sa kanya last week…” | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us