Speaker Romualdez, ipinagpasalamat ang alok na tulong ng Portugal para labanan ang ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang alok na tulong ng Portugal para sa paglaban ng Pilipinas sa African Swine Fever (ASF).

Kasunod ito ng courtesy call ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines Maria Cardoso ngayong araw kay Romualdez.

Ayon kay Romualdez, kaniya itong ilalapit sa kinauukulang ahensya ng ehekutibo upang umusad ang tulong na nais ibigay ng Portugal.

“These propositions are of great mutual interest to both countries,” ani Speaker Romualdez.

Ayon kay Ambassador Cardoso na siya ring envoy sa Indonesia at Brunei, isang Portuguese company ang handang lumipad papuntang Pilipinas para magbahagi ng kanilang kaalaman sa pagsugpo sa ASF na lubhang nakakaapekto sa ating hog industry.

Ang Portugal ang isa sa dalawang bansa sa Europe na matagumpay na nalabanan ang ASF.

Dagdag naman ni Ramon Garcia Jr., Honorary Consul ng Portugal sa Maynila, mayroong organisasyon ng pork producers sa kanilang bansa ang handang magpadala ng dalawang eksperto para sanayin ang mga tauhan ng Bureau of Animal Industry.

Hanggang nitong June 1, mayroong 15 lalawigan sa bansa ang apektado ng ASF. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us