Special committee para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, binuo na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay na ng senado ang resolusyon na bumubuo ng special committee para sa pagbabantay sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office.

Ayon sponsor ng resolusyon na si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang sunog na nangyari noong May 21 at na nagresulta sa pagkasira ng iconic building at kilalang landmark sa Maynila ay pumukaw ng atensyon ng maraming Pinoy.

Mandato ng binuong special committee na pag-aralan, rebisahin, suriin at imbestigahan ang value aspects na may kinalaman sa reconstruction at rehabilitation ng historic site gayundin ang pagkonsidera sa mga opsyon ng redevelopment.

Itinalaga namang miyembro ng komite sina Legarda, Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, Senadora Pia Cayetano, Senadora Nancy Binay at Senador Sonny Angara.

Umaasa si Legarda na ang insidente ay magsisilbing “wake up call” para buhayin ang dedikasyon at pagtutulungan ng lahat na protektahan ang cultural legacy ng Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us