Nag-alok na ng Calamity Loan Assistance(CLAP) ang Social Security System sa mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng Mayon volcanic activity.
Naglabas na ng guidelines ang SSS sa pagkuha ng benepisyo alinsunod sa SSS Circular 2023-002.
Kwalipikado na mabigyan ng tulong pinansiyal ang member-borrowers na nakatira sa mga lugar na ideneklarang state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Para naman sa mga SSS at Employees Compensation Pensioners, maaari silang makakuha ng tatlong buwan na advance pension.
Sa ngayon, ang buong lalawigan ng Albay ay nasa ilalim na ng state of calamity.
Kabilang dito ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga (Locsin), Guinobatan, Jovellar, Legaspi City, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbapac), Polangui, Rapu-rapu, Sto Domingo, Tabaco at Tiwi.
Sabi pa ng SSS, maaari na silang maka-avail ng cash assistance simula bukas, Hunyo 22 hanggang Setyembre 21, 2023. | ulat ni Rey Ferrer