May aasahang taas-presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay ayon sa source ng Radyo Pilipinas mula sa oil industry players, batay sa kanilang apat na araw na pagbabantay sa trading.
Batay sa monitoring, posibleng maglaro sa P1 hanggang P1.20 ang magiging taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang nakikita namang maglalaro sa P0.10 hanggang P0.30 sentimos ang posibleng umento sa presyo sa kada litro ng diesel.
Magugunitang noong isang linggo, nagpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis. | ulat ni Jaymark Dagala