Maghanda na mga motorista dahil posibleng tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa source ng Radyo Pilipinas, mula sa Oil Industry Players, naglalaro sa P1 hanggang P1.30 ang posibleng umento sa kada litro ng Diesel.
Posible namang pumalo sa P0.80 hanggang P1.10 ang taas presyo sa kada litro ng Gasolina habang nasa P0.90 hanggang P1.20 ang posibleng umento sa kada litro sa Kerosene.
Magugunitang sa nakalipas na 2 linggo, nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpaniya ng langis
Kadalasang Lunes nag-aanunsyo ang mga kumpaniya ng langis ng kanilang price adjustment na kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes. | ulat ni Jaymark Dagala