Tag-ulan, simula na ayon sa PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng rainy season o panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ito ay kasunod ng mga umiral na thunderstorms, Super Typhoon (STY) “BETTY” at Southwest Monsoon o Habagat sa mga nakalipas na araw, na nagpaulan sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Luzon at Visayas.

Dahil dito asahan na ang mga pag-ulan, sa hapon o gabi lalo sa mga lugar sa Climate Type I.

Tinukoy rin ng PAGASA, na dahil sa nakaambang El Niño ay inaasahan ang mas malakas na Habagat na inaasahang magdadala ng above-normal rainfall sa western section ng bansa.

Samantala, kahit rainy season na ay maaari pa ring makaranas ng mainit na panahon o ang tinatawag na monsoon break na maaaring tumagal pa rin ng ilang araw o linggo.

Sa ngayon ay ang hanging habagat ang weather system na umiiral sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us