Taguig City LGU, isasara ang ilang bahagi ng C6 Road sa trapiko para sa Community Bike Ride ng lungsod bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng traffic advisory ang Lungsod ng Taguig dahil pansamantalang isasara ang ilang bahaging bahagi ng Northbound Lane ng C6 Road para sa isasagawang Community Bike Ride bukas.

Pansamantalang sarado ang bahagi ng C6 Road Northbound mula 4:30 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga at pinayuhan ang mga motoristang dadaan mula Lower Bicutan hanggang Baybreeze na dumaan sa Southbound ng C6 Road.

Ang nasabing temporary road closure ay upang siguruhin ang kaligtasan ng mga lalahok sa Community Bike Ride bilang pagdiriwang ng World Bicycle Day.

Layunin ng nasabing aktibidad na itaguyod ang paggamit ng bisikleta bilang sustainable at malusog na paraan ng transportasyon.

Samantala, narito ang mga rutang dadaanan para sa gagawing Community Bike Ride bukas:

• C-6, Lower Bicutan

• Seagull Avenue

• M.L. Quezon Avenue

• Gen. A Luna Street

• Cayetano Avenue

• C5 Service Road

• Bayani Road

• Lawton Avenue

• Bonifacio Avenue

• McKinley Parkway

• 9th Avenue

• 25th Avenue

• 10th Avenue

Humingi naman ng paumanhin ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa anumang abalang maidudulot ng aktibidad at hinihimok nila ang mga motorista na pagplanuhan na ang kanilang biyahe ng mas maaga.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us