Taguig LGU, bukas sa pakikipagdiyalogo sa Makati LGU hinggil sa usapin ng agawan ng teritoryo sa BGC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na nananatiling bukas ang kanilang linya ng komunikasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati.

Ito’y sa gitna na rin ng usapin hinggil sa agawan ng teritoryo ng dalawang lungsod sa Bonifacio Global City gayundin ng mga karatig barangay nito.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, sa kabila ng pagiging pinal ng desisyon ng Korte Suprema sa usapin, nararapat lamang mailahad ni Makati City Mayor Abby Binay ang kaniyang panig hinggil sa naging pahayag nito sa social media.

Magugunitang naghain ng petisyon si Mayor Cayetano sa Korte Suprema kaninang umaga para hilinging imbestigahan ang mga naging patutsada ni Mayor Binay na tumututol sa naging desisyon ng high court.

Iginiit din ni Mayor Cayetano na itinanggi na mismo ni Supreme Court Spokesperson, Atty. Bryan Keith Hosaka may utos umano ang High Tribunal na nagtatakda ng Oral Argument hinggil sa usapin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us