Taguig LGU, namahagi ng mga kagamitan sa iba’t ibang law enforcement agencies sa kanilang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng mga sasakyan at iba’t ibang kagamitan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig para sa iba’t ibang Law Enforcement Agencies sa kanilang Lungsod.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng Taguig LGU ay 15 patrol vehicle, 5 armored vehicles, 2 ambulansya, 4 na firetruck at custodial van para sa mga operatiba ng Taguig City Police, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nagkaloob din ang Pamahalaang Lungsod ng 15 motor vehicles at fire patrol para naman sa mga barangay sa kanilang nasasakupan.

Maliban dito, tumanggap din ang mga naturang ahensya ng vest at rain coats gayundin ng 50 bodycameras para sa kanilang mga isasagawang operasyon.

Nakatanggap din ang Taguig City PNP ng mga armas na makatutulong sa kanilang anti-criminality gayundin ng peace and order enforcement operations nito.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, kinikilala niya ang sakripisyo ng mga nabanggit na ahensya upang mapanatiling tahimik, maayos at mapayapa ang kanilang lungsod gayundin.

Umaasa siyang makatutulong ito upang magampanan ng mga law enforcement agency sa kanilang lungsod na magampanan ang kanilang mandato at makatugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us