Umusad na ang talakayan sa pagitan ng Pilipinas at Bahrain para paigtingin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Ito’y sa pamamagitan ng planong paglalagay ng Embahada ng Bahrain sa Pilipinas.
Kamakailan lang, bumisita sa Pilipinas ang delegasyon ng Foreign Ministry ng Bahrain sa pangunguna ng Undersecretary for Consular and Administrative Affairs nitong si Mohamed Ali Bahzad.
Ayon sa DFA, target nilang masimulan ang pagtatayo ng embahada ngayong taon upang maisabay sa ika-45 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Bahrain.
Kasunod nito, nakipagkita rin ang Bahraini officials kay DFA Sec. Enrique Manalo para sa isang courtesy call at upang buksan ang paksa ng kanilang misyon at sinamahan sila ni DFA Undersecretary for Consular Affairs Henry Bensurto.
Maliban dito, kinuha rin ng mga opisyal ng Bahrain ang pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan nila sa Pilipinas sa iba’t ibang aspeto tulad ng ugnayan sa mga Foreign Service Institution, People to People exchanges at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: DFA