Tax collection ng gobyerno, dapat munang ayusin bago ang pagpapataw ng mga bagong buwis–Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senate Ways and Means Committee Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na unahin munang ayusin ang pangongolekta ng buwis bago ang anumang plano na pagpapataw ng dagdag na bagong buwis sa bansa.

Ito ay sa gitna ng plano ng administrasyon na ipatupad ang mga bagong tax measures kabilang dito ang dagdag na buwis para sa mga matatamis na inumin at junkfoods.

Para kay Gatchalian, ang pagprayoridad sa pagtataas ng buwis sa panahong hindi pa nasosolusyunan ang mga iba’t ibang isyu sa pangongolekta ng tax ay nagiging paborable lang sa mga hindi nagbabayad ng tax sa gobyerno.

Dinagdag rin ng senador na makakadagdag rin ito sa pagkakataon para sa mga corrupt na opisyal na maipagpapatuloy ang kanilang mga kalokohan.

Dapat rin aniyang unahin munang tugunan ang pangangasiwa sa mga buwis sa pamamagitan ng digitalisasyon para maging madali ang pagbabayad ng buwis ng mga taxpayer at ang monitoring sa parte ng gobyerno.

Maitataas rin aniya nito ang koleksyon at kita ng gobyerno na malaking tulong naman para sa pagpopondo ng mga social services na program. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us