Technical issue na naranasan ng G280 na maghahatid sana kay Pangulong Marcos Jr. sa South Cotabato ngayong araw, minor problem lang — PAF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Philippine Air Force (PAF) na hindi seryoso ang naranasang technical problem sa G280 command and control aircraft o ang orihinal na aircraft na maghahatid sana kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa South Cotabato para sa event kaninang umaga (June 14).

Ayon kay Air Force Spokesperson Colonel Consuelo Castillo, bumalik sa base ang aircraft ilang minuto matapos itong mag-take off dahil sa minor technical issue sa flaps operation ng aircraft.

Gayunpaman, minor issue lamang ito at hindi seryoso.

Nagdesisyon aniya ang mga piloto ng aircraft na bumalik sa base, lalo at isinasaalang-alang nito ang pinakamataas na standards ng flight safety, at upang ganap na masuri na rin ang aircraft.

Pagsisiguro ng opisyal, mayroong nakahandang back up aircraft o iyong C-295 na ligtas na nakapaghatid kay Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang aktibidad sa South Cotabato, ngayong araw.

Kung matatandaan, una na ring siniguro ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil na nasa maayos na kondisyon si Pangulong Marcos.

“It is nothing serious, but since the PAF maintains the highest standards of flight safety, the pilots decided to do a precautionary return to base and have the aircraft thoroughly checked. There was a ready back up aircraft, which is a C295, and so the presidential movement was resumed immediately.” —Spox Castillo | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us