TESDA, BSP, BDO Foundation, target palakasin ang financial literacy ng tech-voc learners

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at BDO Foundation na palakasin pa ang financial health and capability ng higit apat na milyong technical-vocational learners sa pamamagitan ng libreng online course.

Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, mahalaga ang financial literacy upang maihanda ang mga tech-voc learners para maging matagumpay sa kanilang work environment ngayong 21st Centrury.

Sinabi rin ng opisyal na ang mga nasabing kurso ay makakatulong sa mga learners na mahubog ang kanilang self-management strategies at reflective practices sa paghawak ng sarili nilang pera.

Makatutulong rin ito upang sila ay makagawa ng kanilang financial decisions sa pag-abot ng kanilang life at career goals.

Ang Financial Literacy Course (FLC) ay magiging available sa publiko at technical-vocational education and training (TVET) learners sa pamamagitan ng TESDA Online Program (TOP) sa www.e-tesda.gov.ph. | ulat ni Gab Humilde Villegas 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us