TESDA, magsasagawa ng libreng training para sa evacuees ng Barangay Calbayog, Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang pamahalaang lokal ng Albay ng mga proyekto para sa mga evacuees sakaling lumawig pa ang pag aalburuto ng bulkan.

Isa dito ay ang pagbibigay ng livelihood training sa mga evacuees sa tulong na din ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ang barangay Calbayog sa Malilipot ay ang unang barangay na sasailalim sa training na pangungunahan naman ng Provincial Training Center ng Malilipot.

Tututuruan ang mga taga Calbayog ng plumbing repair and maintenance work. Ang inisyatibong ito ay dagdag kaalaman at skills para sa mga inilikas. Malaking pakinabang din ang kaalamang ito sa paglalapat ng agaran solusyon sa isyung pampalikuran sa evacuation center.

May 500 daang pamilya mula Barangay Calbayog ang inilikas dala ng pagtaas ng alerto sa bulkang Mayon.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us