TESDA, may alok na libreng training sa General Trias, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng training sa lungsod ng General Trias sa probinsya ng Cavite.

Kabilang sa mga kurso sa ilalim ng 2023 Training For Work Scholarship Program ang Slaughtering Operations, Bread & Pastry Production, at Shielded Metal Arc Welding na may tig-21 slot.

Bukod sa libreng pagsasanay, maaaring makatanggap ang mga benepisyasryo ng Training Support Fund na ₱160 kada araw at libreng national competency assessment.

Para maging kwalipikado, kinakailangang nasa 18 ang edad, residente ng General Trias, at high school graduate. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us