Tingog party-list, Speaker Romualdez, nagpaabot ng ayuda sa mga nasunugan sa Ormoc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghatid ng tulong ang TIingog party-list at tanggapan ni Speaker Martin Romualdez sa may 72 na pamilyang nasunugan sa Ormoc City.

Nakatanggap ng kulambo, tsinelas, tuwalya, toiletries at iba pang pangangailangan ang residente ng resettlement village sa Brgy. Danao.

Naganap ang sunog nito lamang Huwebes ng gabi.

Ang naturang mga benepisyaryo ay naging biktima na rin ng lindol noong Hulyo 2017 na tumama sa Ormoc City at kalapit bayan.

Ipinaabot naman ni Brgy. Chair Richard Impas ang kaniyang pasasalamat sa tulong na ito ng Tingog at ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us