Inihalal bilang Vice President ng 25th General Assembly ng United Nations World Tourism Organization si Tourism Sec. Ma. Christina Frasco.
Muling nakuha ng Pilipinas ang nasabing posisyon sa loob ng 24 na taon na huling hinawakan noong 1999.
Isinagawa ang eleksyon sa ika-55 pagpupulong ng UN World Tourism Organization Regional Commission for East Asia and the Pacific sa Cambodia.
Kasunod nito, muling binigyang diin ni Frasco ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing Tourism Powerhouse ang Pilipinas hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo.
Kasabay ng pagkakahalal kay Frasco bilang Vice President ng UNWTO, hahawakan din ng Kalahim ang Chairmanship ng Regional Commission for East Asia and the Pacific.
Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang Joint Commission Meeting of the Commission for East Asia and the Pacific gayundin ng Commission for South Asia sa susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: DOT