Dadalo ngayong araw si Tourism Secretary Christina Frasco sa high-level meeting ng mga tourism leaders sa Commission Meetings ng United Nations World Tourism Organization sa Phnom Penh, Cambodia.
Ilan sa mga paksang tatalakayin sa mga dalawang araw na pagpupulong ay ang pag-protekta sa mga turista, at ang post-pandemic travel trends.
Nais rin ng kalihim na mas magkaroon pa ng aktibong role ang Pilipinas sa global tourism sphere sa ilalim ng Marcos administration.
Ang nasabing pagpupulong ay magtatagal hanggang bukas.
Ang Pilipinas ay isa sa mga founding member ng UNWTO mula ng maitayo ito noong 1975.
Ang UNWTO ang ahensya ng United Nations na responsable sa pagtataguyod ng responsible, sustainable, at universally accessible tourism. | ulat ni Gab Humilde Villegas