Tricycle driver sa Masbate, arestado matapos makuhanan ng higit P6.8 million halaga ng shabu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang tricycle driver na hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operations ng iba’t ibang sangay ng PNP Masbate, at regional drug enforcement unit, mag-aalas-8:00 ng umaga kahapon sa bayan ng Cawayan sa Masbate.

Kinilala ang suspek na si Edgar Adolfo, 43 anyos, may asawa, residente ng Purok 1, Barangay Arado, Uson, Masbate.

Nagkabentahan ang suspek at ang nagpanggap na PNP agent bilang poseur buyer ng humigit kumulang limang gramo ng hinihinalang shabu sa halagang P34,000.

Habang pinoproseso ang pagkakaaresto sa suspek ay nadiskubre ng mga awtoridad ang nasa isang kilo pa ng iligal na droga, nang inspeksyunin ang dala nitong backpack.

Sa kabuuan ay umabot sa higit isang kilong hinihinalang shabu ang nakumpisaka mula sa suspek na aabot sa higit P6.8-million ang halaga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cawayan Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Virac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us