Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pamahalaan ng ayuda sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council umaabot na sa ₱71.5-milyong halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan.
Ang ayuda ay mula sa Department of Social Welfare and Development, Office of Civil Defense, at Non-Government Organizations.
Kasama sa mga tulong na ibinigay ay mga family food packs, hygiene kits, tubig, family tent, sleeping kits, modular tents, portable water filtration unit, at maraming iba pa.
Mayroon ding ipinamahagi na 200 sako ng hog grower feeds.
Samantala, nagkaloob din ang gobyerno ng cash at financial assistance sa ilang mga residente. | ulat ni Leo Sarne