Inaasahang palalakasin ng partnership ng Brunei Darussalam at Pilipinas sa technical and vocational education and training ang human resource development.
Sa pagbisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Southeast Asian Ministers of Education Organization o SEAMEO VOCTECH Regional Centre sa Brunei, sinaksihan ang paglagda sa dalawang memoranda of understanding para sa pag-aalok ng TVET teacher-training programs sa rehiyon.
Nakapaloob sa kolaborasyon sa pagitan ng SEAMEO VOCTECH at University Brunei Darussalam at Philippine Normal University, ang pagsasagawa ng skills training, professional development programs at technical assistance sa capacity building.
Ibinahagi rin kay VP Sara ang mga napagtagumpayan ng TVET Centre para sa nagdaang fiscal year kabilang ang 45 training programs at workshops.
Gayundin ang nagpapatuloy na research ukol sa kahandaan ng TVET institutions sa Southeast Asia sa Fourth Industrial Revolution. | ulat ni Hajji Kaamiño