Nagpahayag ng pangangailangan ang bansang United Arab Emirates at bansang Oman ng mga skilled Overseas Filipino Workers na magtrabaho sa kanilang bansa
Ito’y matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople ang dalawang representative mula sa dalawang bansa para sa pangangailan ng kanilang bansa ng mga skilled workers.
Ayon kay Secretary Ople na nais ng UAE na magkaroon ng government-to-government agreement upang hindi magkaroon ng placement fee ang mga ito kapag magtatrabaho na ito sa kanilang bansa.
kaugnay nito na nangangailangan an dalawang bansa ng mga healthcare workers sa kanilang bansa at kabilang din ang ibat iba pang sektor sa kanilang bansa
Sa huli muli namang sinabi ni Secretary Ople sa publiko na walang magiging placement fee ang mga ito at direct hire ang magiging proseseo sa mga nais mag apply na aspiring OFWs. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio