Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marocs Jr. na makadalo sa 2023 UN Climate Change Summit, na gaganapin sa Expo City sa Dubai, lalo’t isa ang usapin ng pagbabago ng panahon sa mga hamong kinahaharap ng Pilipinas.
Pahayag ito ng pangulo, makaraang ipaaabot ng UAE ambassador ang imbitasyon sa pangulo sa courtesy call nito sa Malacañang, ngayong linggo.
“I hope to be able to attend because climate change is a primordial issue when it comes to the Philippines. So, I hope that we will be able to attend. And beyond the Conference of Parties is that we also want to fortify our ties with the UAE,” —Pangulong Marcos Jr.
Bukod sa Cimate Change Conference, nais ring tumungo ng pangulo sa kanilang bansa, upang mapagtibay pa ang ugnayan ng UAE at Pilipinas, lalo’t maraming Pilipino ang naninirahan at nagta-trabaho sa kanilang bansa.
Ginamit rin ng pangulo ang pagkakataon upang kilalanin ang maayos na pagtrato ng UAE sa mga Pilipino doon.
“Ang daming Pilipino doon. Kaya’t kailangan makatiyak tayo na patuloy ang kanilang magandang pagtrato sa ating mga kababayan sa UAE. And they have been very welcoming. They have treated our people very well. They have protected them and they have allowed them to make a living in the United Arab Emirates,” —Pangulong Marcos Jr.. | ulat ni Racquel Bayan