Unified life stages approach sa pagtugon sa malnutrisyon sa bansa, tututukan ng Marcos Admin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang cohesive o magkakasama o pinag-isang paraan sa pagtugon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa problema ng bansa sa kagutuman at kahirapan.

Pahayag to ni Health Secretary Ted Herbosa, kasunod ng pag-apruba ng Pangulo sa pilot implementation ng Food Stamp Program na target na mabigyan ng masusustansyang pagkain ang nasa isang milyong pinakamahihirap na Pilipino, kabilang na ang mga buntis at lactating women.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na ayaw ng pangulo na mayroong feeding programs ang madudoble.

“The President wanted a more cohesive approach, this problem of hunger and addressing the poor. And he was asking, ‘I don’t want duplication…’ kasi nga baka paulit-ulit lang iyong ibang agency nagpi-feeding program.” — Secretary Herbosa

Ayon sa kalihim, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, DepEd, DSWD, at Department of Health (DOH), tinututukan na nila na gawing unified ang life stages approach ng mga programang ito.

“We’re trying to now put them all together in one unified ‘life stages’ approach. So, iyon ang pino-propose ko sa President. I think the way to approach it is a life stage and umpisa doon sa buntis,” —Secretary Herbosa.

Ibig sabihin, sisimulan ng Marcos Administration ang pagbibigay ng angkop at masusustansyang pagkain sa mga bata habang ipinagbubuntis pa lamang ang mga ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us