Unsolicited proposal ng Manila International Airport Consortium sa pag-rehabilitate ng NAIA, aabot na sa ₱ 267-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa ₱267 bilyon ang halaga ng unsolicited proposal ng Manila International Airport Consortium (MIAC) upang mai-rehabilitate ang Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Alliance Global – Infracorp Development Inc. Chairman and President Kevin Tan, nais nila na mabago ang NAIA upang makatugon sa lumalaking air travel demand sa Mega Manila, hindi lamang ngayon kundi pati sa hinaharap.

Para kay Global Infrastructure Partners Vice Chair Dr. Jim Yong Kim, kinakailangan ng Pilipinas ng isang maaasahang transport infrastructure tulad ng pag-rehabilitate sa NAIA upang maabot nito ang pagiging isang regional economic hub.

Nitong Abril ay nagsumite ang MIAC sa Department of Transportation at Manila International Airport Authority ng unsolicited proposal nito sa ilalim ng Public-Private Partnership upang ipakilala ang technological, structural, at operational changes sa NAIA sa ilalim ng 25 taong concession agreement.

Layon ng nasabing rehabilitasyon na palakihin ang kapasidad ng paliparan mula sa kasalukuyang 31 million passengers per annum hanggang sa 70 million passengers per annum pagsapit ng 2048. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us