Usapin ng child labor, patuloy na tinututukan ng DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na hinahanapan ng paraan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na matigil na ang child labor sa bansa.

Kasabay ng paggunita sa Independence Day ay ngayong araw din ipinagdiriwang ang World Day Against Child Labor.

Ayon kay DOLE Pampanga Director II Arlene Tolentino, isa sa mga programa ng ahensya ang pagkakaloob ng mga livelihood package para sa mga pamilya ng mga batang nailigtas mula sa child labor.

Katuwang din aniya nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), at maging Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Katunayan sa isinagawang Independence Day Job Fair ay walong magulang ng mga batang nailigtas mula sa child laobr ang nabigyan ng iba’t ibang pangkabuhayan package.

Sa kasalukuyan, patuloy aniya ang kanilang monitoring sa mga profiled child laborer upang alamin ang kanilang kalagayan at matiyak na hindi na sila babalik sa pagtatrabaho.

Aminado naman si Dir. Tolentino, na malaking hamon pa rin ang child labor kaya’t kailangan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan pati na ng local government units. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us