Volunteers ng Ako Bicol party-list, naka-mobilize na bunsod ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan nang i-mobilize ng Ako Bicol Party-list ang kanilang volunteers upang makapag-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pamilyang inilikas lalo na ang mga nakatira malapit sa bulkan.

Aniya, kanilang inuna ang mga pangangailangan ng evacuees gaya ng malinis na inuming tubig, pagkain, maayos na matutulugan, maging medical assistance.

Makakaasa din aniya ang mga apektadong residente na maliban sa kanilang kagyat na mga pangangailangan ay may pangmatagalang tulong na rin aniya silang inihahanda para sa kanila.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mambabatas sa PHIVOLCS at lokal na mga pamahalaan upang alamin ang iba pang tulong at suportang kailangan ng mga kapwa Bicolano.

“We stand in solidarity with our fellow Bicolanos who have been displaced from their homes due to the imminent danger posed by Mayon Volcano. Ako Bicol Party List remains steadfast in our commitment to support and protect the welfare of our constituents. We are here to provide not just immediate relief but also long-term solutions to help rebuild their lives.” saad ni Co. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us