VP Sara Duterte nagpaabot ng mensahe sa ika-125 na anibersaryo ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Department of Education.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng ikalawang pangulo na nagpapasalamat siya sa lahat ng kawani ng DepEd sa walang pagod na pagsusulong ng maayos at dekalidad na edukasyon sa kabataang Pilipino

Dagdag pa ni VP Sara, ang kanilang trabaho sa education department ay napakahalaga dahil sa paglilinang ng mga kabataan na bagong mamumuno sa bansa.

Sa huli sinabi ni VP Sara na makakaasa ang bawat mag-aaral sa mas marami pang programa at education reforms para sa bawat Pilipinong mag-aaral sa iba’t ibang panig ng bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us