Nagpahayag ng pakikiisa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of the Holy Sacrifice.
Sa mensahe ni Duterte, kinilala nito ang mga indibidwal na handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya, komunidad, at sa bansa.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, ipinaaalala ng araw na ito ang kakayahan ng lahat na magsakripisyo at magmahal para sa ikabubuti ng nakararami.
Hinikayat din ni Duterte ang bawat isa na baunin ang lahat ng aral sa Feast of the Holy Sacrifice para sa bansang mapayapa at nagkakaisa.
Matatandaan naman na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Proclamation 258, na nagdedeklara sa June 28 bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha. | ulat ni Diane Lear