VP Sara Duterte, pinasinayaan ang bagong bukas na satellite office ng OVP sa BARMM Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang makapagbigay at maipaabot sa mga malalayong lugar ang serbisyong handog ng Opisina ng Ikalawang Pangulo ng bansa binuksan ang satellite office ng Office of the Vice President (OVP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).

Personal na pinasinayaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbubukas ng satellite office ng naturang tanggapan upang makapaghatid ng serbisyo sa bawat Muslim communities sa BARMM Region.

Ayon kay VP Sara Duterte, ito ang pang-siyam na satellite office ng OVP mula nang magsimulang manungkulan ang Pangalawang Pangulo noong 2022.

Ani Vice President at Education Secretary Sara Duterte, magiging katuwang na ng OVP ang BARMM Office sa pagpapatupad ng iba pang programa gaya ng Mag Negosyo Ta ‘Day, PagbaBAGo campaign, Kalusugan Food Truck, Pansarap nutritional feeding program, at calamity response sa ilalim ng Disaster Operations Center ng kanyang tangapan.

Dagdag pa ni VP Sara na makakaasa ang mga Muslim communities na sa tulong ng kanyang opisina ay mas maipapahatid pa ang mga programa at serbsiyo mula sa national government. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us