VP Sara Duterte, siniguro ang maayos na paggasta sa pondo ng OVP para sa social services

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na hindi nasasayang ang pondong ipinagkakaloob ng Kongreso sa kanyang tanggapan na inilalaan para sa social services.

Ayon kay VP Sara, araw-araw dinadagsa ang satellite offices at extension offices ng mga humihingi ng tulong para sa pagpapagamot sa ospital.

Sa katunayan, mula Hunyo noong nakaraang taon hanggang Abril ngayong 2023 ay umabot na sa 22,970 na indibidwal ang natulungan ng Medical Assistance Program na katumbas ng mahigit 236 million pesos.

Upang maging matagumpay ang implementasyon ay nakipagkasundo aniya ang OVP sa iba’t ibang ospital at service providers tulad ng mga botika.

Iniulat din ni VP Sara na nasa anim na libong pamilya na ang nasuportahan ng Burial Assistance Program na natustusan ng halagang 30.8 million pesos.

Bukod sa lehislatura ay nagpasalamat ang pangalawang pangulo sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa tiwalang ibinigay sa OVP upang maisakatuparan ang mga serbisyo. | ulat ni Hajji Kaamiño


📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us