Warehouse ng sweetened beverages na may ₱800-M excise tax deficiency, ni-raid ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng raid ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang malaking manufacturer ng sweetened beverages dahil sa milyon-milyong excise tax deficiency.

Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang raid kung saan pinuntirya ang Vermirich Foods Corporation na manufacturer ng iba’t ibang juice products sa Cavite Light Industrial Park.

Base kasi sa records ng BIR, 2018 pa o nasa limang taon nang hindi nagsusumite ng tax returns at hindi nagbabayad ng excise taxes sa sweetened beverages ang naturang kumpanya.

“This is in violation of Sections 130, 150-B, 254, and 263 of the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, as amended, which pertains to the filing and payment of Excise Taxes,” ayon sa BIR.

Katunayan, kung susumahin, pumalo na sa ₱800-million ang hindi nababayarang buwis ng Vermirich kasama ang interests, surcharges, fines, at 12% VAT sa sweetened beverages.

Bukod dito, nadiskubreng wala ring permit to operate bilang manufacturer ng sweetened beverage products ang Vermirich.

Kasunod nito, pinuntahan din ng mga tauhan ng BIR ang ilang shopping mall sa Bonifacio Global City (BGC) at Quezon City kung saan sinamsam ang mga untaxed goods mula sa Vermirich.

Kabilang dito ang powdered juice beverages na S&R Lemon Tea at S&R Raspberry Tea sa S&R membership shopping sa BGC at ready-to-drink juice beverages na SM Bonus Apple Juice Drink at SM Bonus Orange Juice Drink na available sa SM City North Mall.

Posible namang panagutin din ng BIR ang dalawang malalaking shopping center dahil sa kawalan ng due diligence.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us