Water Resources Management Office, pinabubuo ng komprehensibong plano upang maprotektahan ang Metro Manila at coastal areas sa pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Water Resources Management Office (WRMO) na bumalangkas ng isang komprehensibong plano na layunung protektahan ang coastal communities ng Metro Manila mula sa baha.

Kabilang na dito ang kontruksyon ng mga water impounding facilities, upang ma-manage ang water resources ng bansa.

Sa naging pulong kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Irrigation Administration (NIA), kung saan tinalakay ang flood control programs at management ng dammed rivers, binanggit ng pangulo ang Php351 billion na tinatayang halaga ng flood control projects sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

“Pinapatingnan ko kung papaano ang kailangan, ano pa ‘yung dadagdag natin. Malaki, bilyon-bilyon na ang ginagastos natin para maglagay ng mga dike, maglagay ng mga waterway, mga spillway, pati pumping station dito sa NCR ay napag-usapan namin para mas marami at maging mas efficient ang paglabas ng tubig,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa pangulo, humahanap na rin ang pamahalaan ng lokasyon sa labas ng Metro Manila na magsisilbing impounding areas upang makontrol ang daloy ng tubig, at maiwasan ang pagbaha.

“Para doon natin kokontrolin, hindi na papasok dito sa Maynila, at mayroon pa tayong naipon na tubig para sa agrikultura, para sa iba’t ibang gamit,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Sa briefing ngayong araw (June 13), natalakay rin ang iba pang ongoing flood control projects sa Pampanga, Cavite, Leyte at Cagayan De Oro City, maging ang konstruksyon ng access roads tungo sa irrigation areas na tinukoy ng NIA sa ilalim ng Katubigan Program na ini-implementa ng tanggapan katuwang ang DPWH.

Kabilang na ang rainwater collection system program na nagkakahalaga ng Php5.86 billion, para sa konstruskyon at installation ng 6, 002 rainwater collection system sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ilan lamang sq major flood control projects ang flood protection infrastructures sa Abra River Basin, Ranao River Basin at Tagum-Libuganon River Basin, ang Central Luzon-Pampanga River Floodway Flood Control Project, at iba pa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us