Website ng Volunteer Individuals for Peace, inilunsad ng iba’t ibang grupo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang lalo pang humikayat ng mas maraming volunteers, inilunsad ngayon ng iba’t ibang grupo ang kanilang website na naglalayong marating ang maraming sulok ng bansa.

Sa launching kanina, ipinakita na nila sa publiko ang website na www.vip-adamat.com.

Layunin nito na humikayat ng iba pang volunteers sa iba pang panig ng bansa, na nagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, Indigenous People at iba pa.

Ang Volunteers in Peace ay inilunsad ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Dr. Ronald Adamat, at sinamahan siya ng maraming sektor mula sa iba’t ibang rehiyon.

Sabi ni Dr. Adamat, masusundan pa ang kanilang mga aktibidad na naglalayong tapusin ang mga karanasan at paghariin ang kapayapaan.

Noong Marso, nagsagawa ng painting contest ang VIP na nilahukan ng Higher Education Institutions kung saan ito ay may tema ng kapayapaan sa bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us