World Day Against Child Labor, ginunita sa Brgy. Inayawan lungsod ng Cebu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang aktibidad ay pinanguhan mismo ni Department of Labor and Employment Region VII Director Lilia Estillore.

Pinangunahan rin ni Director Estillore ang isinagawang Commitment Signing para sa pagprotekta sa kapakanan at kaligtasan ng mga bata.

Nasa 100 na mga profiled child laborer na nasa edad 7-12 taong gulang na mula sa Brgy. Inayawan ang hinandugan ng mga regalo, school supplies at mga food packs sa pamamagitan ng Project Angel Tree.

Iba’t ibang mga aktibidad rin ang hinanda ng DOLE VII para malibang ang mga bata.

Iginawad rin ngayong hapon ang P1.3 million na livelihood grant sa mga magulang ng mga profiled child laborer mula naman sa Brgy. Bulacao Cebu City. | ulat ni Angelie Tajapal, RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us